Tiniyak ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na hindi na huhulihin ang mga motorista na gumagamit ng temporary license plates matapos suspendihin ng Land Transportation Office (LTO) ang kanilang direktibang nagbabawal sa mga ito.

“Ang sabi na ng LTO, suspended indefinitely ‘yung [ban on temporary license plates] policy. Kaya sa mga kaibigan nating nagmo-motorsiklo, makaasa na pong hindi na kayo mahuhuli ng LTO kapag ang violation ay temporary plate,” sabi ni Sen. Tolentino.

Ayon kay Sen. Tolentino, hindi makatarungan ang ipinatupad na polisiya ng LTO at hindi dapat ipasalo sa mga may-ari ng motorsiklo at sa mga motorista ang kakulangan sa mga plaka.

“Invalid po yung circular nila, unjustifiable… hindi dapat hulihin kasi wala namang kasalanan ang may-ari ng motorsiklo at mga drayber ng motorsiklo, dahil ang hindi nag-issue ng plaka ay yung LTO, so kinontra natin yan,” sabi ni Sen. Tolentino sa isang panayam sa radyo ngayong Biyernes, Enero 17.

Ulat ni Julian Katrina Bartolome

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *