Balak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbukas ng karagdagang “Walang Gutom” kitchen sa loob at labas ng Metro Manila.

Ang Walang Gutom kitchen na nasa isang dating Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Pasay City ang magiging “central kitchen” kung matutuloy ang plano, ayon sa DSWD.

Priyoridad na lokasyon ng mga bagong Walang Gutom kitchen ang mga highly urbanized area na mayroong homeless families.

Tinitingnan din ng DSWD ang pagpapakalat ng mobile kitchen.

Maaaring magsimula ang proyekto sa mga buwan ng tag-init o sa ikalawang kalahati ng taon.

Mula noong ilunsad ang proyekto noong Disyembre 2024, nakapagsilbi na ang Walang Gutom kitchen sa 12,000 benepisyaryo.

Ulat ni Edgardo Tugade

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *