Muling tumaas ang hunger rate sa Pilipinas sa 25.9 porsyento noong Disyembre 2024, ayon sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS).

Sa isinagawang survey ng SWS noong Disyembre 12-18, 2024, nakita ang muling pagtaas ng hunger rate sa Pilipinas sa 25.9 porsyento noong Disyembre 2024–mas mataas sa 22.9 porsyento noong Setyembre ng parehong taon.

Nasa 18.7 porsyento mula sa 25.9 porsyento ang nakaranas ng ‘moderate hunger,’ habang ang natitirang 7.2 porsyento ay nakaranas ng ‘severe hunger’ noong Disyembre 2024, ayon sa survey.

Ito ang pinakamataas na hunger rate mula noong COVID-19 pandemic na nasa 30.7 porsyento noong Setyembre 2020.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *