Nangangalap na ng suporta ang ilang mambabatas ng 103 kongresista na mag-eendorso sa ikaapat na impeachment complaint na ihahain sa Kamara laban kay Vice President Sara Duterte upang mapabilis ang proseso.

Ito ang ibinunyag ni House of Representatives Secretary General Reginald Velasco matapos siya impormahan ng 12 kongresista tungkol sa kanilang plano maghain ng ikaapat na impeachment complaint laban kay VP Sara.

Ito rin ang dahilan kung bakit madalian ang pangangalap ng suporta mula sa 103 kongresista para makabuo ng one-third mula sa 310 miyembro ng Kamara para maisumite agad ang impeachment complaint sa Senado.

“Well ‘yon ang sabi sa akin, the plan to get, to file a new complaint endorsed by one-third,” sabi ni Velasco sa panayam ng media ngayong Martes, Enero 14.

Mas makatitiyak ang mga pro-impeachment solons na mabilis maipararating sa Senado ang reklamo laban kay VP Sara kung makakalap sila ng one-third vote mula sa kanilang mga kabaro.

“So, under our procedures, the moment I receive and verify this complaint, endorsed, signed by a minimum of 103 House members, we can immediately transmit it to the Senate for action,” paliwanag ng House official.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *