Sa ginanap na press conference ngayong Martes, Enero 14, hiniling ni National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya sa gobyerno ng China na i-pull out nito ang China Coast Guard (CCG) vessel No. 5901 mula sa exclusive economic zone (EEZ) ng Zambales upang makapangisda ang mga Pinoy sa lugar.
“We were surprised by the increase in aggression being shown by the PRC in deploying the monster ship. The monster ship is not close to Bajo de Masinloc but it is getting closer to the Philippine coastline. That is alarming,” sabi ni Malaya.
“They are underestimating the resolve of the Philippine government to support our Filipino fishermen. As a nation unified in securing what is legally ours, we do not and will not dignify these scare tactics by backing down,” sabi ni Malaya.
Hanggang kaninang umaga, namataan ang 12,000-tonner na “monster ship” ng China sa layong 77 nautical miles sa kanluran ng Capones Island sa Zambales.
Ipinadala ng Philippine Coast Guard (PCG) ang BRP Teresa Magbanua at BRP Gabriela Silang sa Capones Island upang bantayan ang mga aktibidad ng dambuhalang barko ng China.
Sinabi naman ni Malaya na determinado ang gobyerno ng Pilipinas na gamitin ang lahat ng “diplomatic mechanism” upang mapaalis ang mga barko ng China sa territorial waters ng bansa sa mapayapaang pamamaraan.