Itinalaga si Colonel Ricardo Dalmacia bilang bagong hepe ng Laguna Police Provincial Office (LPPO) noong Sabado, Enero 11.

Pinangunahan ni Col. Julius Suriben, chief regional staff ng Police Regional Office (PRO) 4-A (CALABARZON), ang turnover ceremony bilang kinatawan ni Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, director ng PRO 4-A.

Inihayag ni Suriben ang tiwala na magiging maayos ang operasyon ng LPPO sa ilalim ng pamumuno ni Dalmacia.

Nagpaabot din siya ng pasasalamat kay Col. Gauvin Mel Unos na naging bahagi ng pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Laguna.

Pinuri ni Suriben ang LPPO para sa kanilang walang sawang pagtutok sa kaligtasan ng komunidad at pagsulong ng kapayapaan sa probinsya.

Ang turnover of command ceremony ay isang pormal na kaganapan sa Philippine National Police (PNP) na nagpapakita nang maayos na paglipat ng pamumuno at pagpapatuloy ng responsibilidad ng mga tagapamahala ng law enforcement sa pagtataguyod ng mga pangunahing prinsipyo ng PNP.

Ulat ni Britny Cezar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *