Inaresto ang isang negosyante sa Jaro, Iloilo City, noong Linggo, Enero 12, dahil sa paglabag sa gun ban sa ilalim ng Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na ipinatutupad ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Capt. Gimel Acuesta, officer-in-charge ng Iloilo City Police Station (ICPS) 9, ang suspek na si “Ryan,” isang 41-taong gulang na negosyante at residente ng Barangay Tabuc Suba, Jaro District, ay natagpuang may mga armas sa driver’s seat ng kanyang sasakyan.

Alinsunod sa Comelec Resolution 11067, ito ang kauna-unahang paglabag sa gun ban sa panahon ng halalan na nagsimula noong Enero 12 at mananatiling epektibo hanggang Hunyo 11, 2025.

Binigyang-diin naman ni Iloilo City Police Office Director Colonel Kim Legada ang kahalagahan ng pagsunod sa gun ban upang mabawasan ang karahasang may kaugnayan sa halalan at maprotektahan ang publiko mula sa mga posibleng panganib sa panahon ng eleksyon.

Samantala, dinala na ang suspek na kinilalang si “Ryan” sa ICPS-9.

Isasailalim naman sa beripikasyon sa Regional Civil Security Unit-6 ang mga nakumpiska ng mga awtoridad kabilang ang isang Smith & Wesson Houlton 9mm na pistola at isang Armalite M15A2 na rifle, kasama ang mga magazine, bala, at mga armas.

Ulat ni Britny Cezar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *