Makikinabang ang mga mag-aaral ng Mogpog Central School (MCS) sa Marinduque at magiging malaking suporta sa kanilang edukasyon ang bagong library na pinondohan ng P40 milyon sa pagpupursige ni Sen. Loren Legarda.
Ipinaglaban ni Legarda ang P40-milyong pondo para sa konstruksyon ng apat na palapag na multipurpose library sa Mogpog Central School (MCS) sa Marinduque.
Hindi tumigil si Legarda na maisama ang proyekto sa 2025 General Appropriations Act.
Nagpasalamat naman si Joselito “Bogs” Luarca, ang vice president ng Mogpog Central School Alumni Association Inc. (MCSAAI), kay Legarda para sa kanyang tulong na maisakatuparan ang pangarap ng alumni association na magkaroon ng sariling library.
Ayon kay Luarca, ang panukala para sa aklatan ay nagmula pa noong 2019, ngunit sa pamamagitan lamang ng pagpupursige at adbokasiya ni Legarda nakakuha ng pondo para sa proyekto.
Sa kasalukuyan, ang munisipalidad ng Mogpog ay mayroon lamang dalawang pampublikong aklatan, kaya ang maraming mag-aaral ay walang madaling access sa essential learning materials.
Sa bagong aklatan, ang halos 1,000 estudyante sa MCS ay magkakaroon ng mga espasyo para sa learning, exploration, at personal growth.