Sa kanyang social media post ngayong Huwebes, Enero 9, naghayag ng ilang paalala si Senate Majority Leader Francis Tolentino para sa mga debotong makikiisa sa pista ng Mahal na Poong Hesus Nazareno.
“Nawa’y maging ligtas, mapayapa, at makahulugan ang ating pagdiriwang. Ipagdiwang po natin ang Pista nang may pananampalataya, malasakit, at kapayapaan,” mensahe ni Tolentino para sa lahat ng deboto.
Unahin ang kaligtasan: Magsuot ng komportableng damit at sapatos, at maging handa sa dami ng tao.
Sumunod sa mga patakaran: Pakinggan at sundin ang mga paalala ng mga awtoridad at volunteers upang matiyak ang maayos at ligtas na pagdiriwang ng Pista.
Magdala ng mahahalagang pangangailangan: Tubig, face towel, at simpleng pagkain. Iwasan ang pagdadala ng mamahaling gamit para maiwasan ang abala.
Panatilihin ang diwa ng pananampalataya: Ang Pista ay isang taimtim na paggunita sa ating pananampalataya. Magdasal nang buong puso, maging mapagkumbaba, at alalahanin ang tunay na diwa ng pagdiriwang.
Ulat ni Julian Katrina Bartolome