Inihayag ng Australian research agency, ang McCrindle Research, sa kanilang blog post na magsisimula na ang susunod na henerasyong tinaguriang “Generation Beta” ngayong 2025 kasunod ng pagtatapos ng “Generation Alpha” sa 2024.

Ayon sa social analyst, demographer at founder ng McCrindle Research na si Mark McCrindle, sisimulan na sa taong 2025 ang Generation Beta at tatagal ito hanggang taong 2039, at sa taong 2035 ay tinatayang bubuuin na ng Generation Beta ang 16 porsyento ng global population.

Dagdag pa ni McCrindle na ang mga taong kasama sa age group na ito ay lalaki sa mundo kung saan magkasabay nang umiiral ang “digital at physical spaces.”

Ayon din kay McCrindle, magiging magulang ng mga bata mula sa Generation Beta ang Generation Z o “Gen Z” na lumaki sa mga panahong nagsisimula pa lang ang “technological revolution” kung kaya’t mas alam nila ang positibo at negatibong epekto ng teknolohiya.

Dahil dito, 36 porsyento ng mga Gen Z parents ang sumang-ayon na uunahin nila ang paglalagay ng screen time limit para sa mga anak nila pagdating sa social media.

Itinuturing din na ang Generation Beta ang pinakaunang henerasyon na makakaranas ng “autonomous transportation at scale, wearable health technologies, and immersive virtual environments as standard aspects of daily life,” ayon sa ulat ng McCrindle.

Ulat ni Jilliane Libunao

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *