Inaasahang lalago ng 5.5 porsyento ang ekonomiya ng Pilipinas ngayong 2025, ayon sa pahayag ng International Monetary Fund (IMF) nitong Huwebes, Mayo 22.

Sa isang pahayag, sinabi ni International Monetary Fund (IMF) Mission Chief Elif Arbatli-Saxegaard na inaasahang mas tataas ang konsumo ng mga mamamayan dahil sa mas mababang interest rate, inflation, at unemployment.

Dagdag niya, may espasyo pa ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) upang higit pang luwagan ang kanilang monetary policy, at inaasahang mananatili ang inflation sa mababang bahagi ng target range, sa 2.2 porsyento.

Gayunman, binalaan niya na may mga banta sa paglago ng ekonomiya, lalo na mula sa mga external factor.

“While the announced US tariffs are expected to have a limited direct impact, the higher global policy uncertainty and lower growth in major economies will weigh on growth,” sabi ni Arbatli-Saxegaard.

Sa kabila ng mga ito, naniniwala siya na may malaking potensyal ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa malaki at young population nito, at mayamang natural resources.

Pinayuhan din niya ang pamahalaan na ipagpatuloy ang pagpapatibay ng mga social protection programs, isulong ang digitalization, at pataasin ang kakayahan ng bansa na makabangon mula sa mga sakunang dulot ng klima at kalikasan.

Ulat ni Julian Katrina Bartolome

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *