Hiniling ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang courtesy resignation ng mga Cabinet secretaries bilang bahagi ng plano na i-recalibrate o muling ayusin ang kanyang administrasyon kasunod ng kamakailang midterm elections.
“It’s time to realign the government with the people’s expectations. The people have spoken, and they expect results—not politics, not excuses. We hear them, and we will act,” saad ng Pangulo
Layunin ng hiling ni Pangulong Marcos Jr. na magbigay-daan “to evaluate the performance of each department and determine who will continue to serve in line with his administration’s recalibrated priorities.”
“This is not about personalities—it’s about performance, alignment, and urgency. Those who have delivered and continue to deliver will be recognized. But we cannot afford to be complacent. The time for comfort zones is over,” sabi ng Pangulo.
Bagama’t kinilala ng Pangulo na marami sa kanyang Gabinete ang nagsilbi nang may dedikasyon at propesyonalismo, sinabi rin niyang kailangang makasabay ang pamahalaan sa nagbabagong pangangailangan ng bansa sa pamamagitan ng mas mabilis na pagtugon at pagbibigay halaga sa resulta.
Sa kabila ng pagbabago, tiniyak ng Presidential Communications Office (PCO) na magpapatuloy ang serbisyo ng pamahalaan nang walang aberya, at mananatiling gabay sa pagbubuo ng bagong liderato ang stability, continuity, at meritocracy.
Ulat ni Julian Katrina Bartolome