Ipinresenta ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong Biyernes, Disyembre 20 ang kauna-unahang polymer banknote series sa bansa, na inaasahang mas magtatagal at mas magiging angkop sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino.

“Today, I stand before you with pride as we unveil the first Philippine polymer banknote series— a groundbreaking step that embodies the strength, ingenuity, and forward momentum of our nation,” sabi ni Pangulong Marcos.

“The introduction of the first Philippine polymer banknote series reflects the progress we are making as a Bagong Pilipinas—practical, innovative, and deeply meaningful,” ayon sa Pangulo sa ginanap na seremonya sa Malacanang.

Ayon pa sa Banko Sentral ng Pilipinas (BSP), sinasalamin ng mga bagong banknotes ang mayamang biodiversity at pamanang kultural ng bansa.

Ang polymer banknote series ay itinuturing na smarter, cleaner, at stronger. Smarter dahil sa taglay nitong advanced anti-counterfeiting features at mas maliit na carbon footprint.

Cleaner dahil hindi nabubuhay nang matagal ang mga virus at bakterya sa polymer. Stronger dahil mas tumatagal ang mga ito sa sirkulasyon kaysa sa perang papel, paliwanag ng BSP

Magsisumulang ilabas sa sirkulasyon ang mga bagong denominasyon ng polymer banknotes sa Enero 2025.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *