Hindi makapaniwala si Senadora Loren Legarda nang himayin ang detalye ng budget ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa hearing ng Senate Committee on Health and Demography tungkol sa funds ng PhilHealth nitong Miyerkules, Disyembre 18.

Kasama sa nasabing budget ang mahigit P13 milyon na naka-allocate para sa “gala night” ng insurance corporation habang mahigit P32 milyon naman ang budget para sa “sports meet.”

Bagamat nilinaw ng PhilHealth na hindi itinuloy ang proposal, hiningi ni Legarda ang pangalan ng opisyal sa likod ng plano dahil aniya’y dapat ma-memohan ito.

“What is this, an invention, a proposal of some brilliant person? Sino po ang brilliant (person) na nagbigay nito?” saad ni Legarda.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *