Dumistansiya ang tanggapan ni Sen. Sherwin Gatchalian mula sa kontrobersiya na kinasasangkutan ng isang puting Cadillac Escalade na may plakang numero “7” na muntik makasagasa ng isang traffic enforcer nang nagpumilit pumasok sa EDSA busway noong Linggo.

“[Sen. Sherwin Gatchalina] was not involved in the incident at the Edsa busway in Guadalupe and was not inside the vehicle when it occurred,” ayon sa statement mula sa tanggapan ni Gatchalian.

Sa isang statement na inilabas ngayong Biyernes, Nobyembre 8, inamin ng tanggapan ni Gatchalian na nakarehistro ang Escalade sa Orient Pacific Corporation kung saan nakasaad sa website nito na si Kenneth Gatchalian, kapatid ni Sen. Sherwin, ang presidente at director ng kumpanya.

“The senator does not own the fake protocol plate of the said sports utility vehicle. Furthermore, Sen. Gatchalian has no connection to Orient Pacific Corporation whatsoever,” nakasaad sa statement.

Ito ay sa kabila ng paglantad ng driver ng SUV na si Angelito Edpan at paghingi ng umanhin sa publiko dahil sa nagawang paglabag sa batas trapiko. Inamin ni Edpan may apat siyang pasahero sa sasakyan, kabilang ang isang “investor,” nang minaneho niya ang sasakyan sa EDSA bus lane.

Pinagmulta naman ng Land Transportation Office (LTO) ng P9,000 kasunod ng insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *