Inihain ni Akbayan Rep. Percival Cendaña ang “Kian Bill” na may titulong “Public Health Approach to Drug Use Act” na nakatuon sa mga karapatan ng drug suspects.

“The Kian Bill prevents the killing of more innocent Kians. Imbes na dahas at bala, solusyon natin ang magbigay ng karampatang lunas at direktang lingap sa mga drug users,” ayon kay Cendaña.

Taliwas ang panukalang batas sa madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte, na umano’y responsable sa mahigit 30,000 namatay.

“The proposed law bans the use of Tokhang or drug lists, torture, unlawful police interference, and other cruel methods used in the drug war,” sabi pa ni Cendaña.

Binibigyang-diin din nito ang mga inisyatiba sa kalusugan na nakabatay sa komunidad at suportang panlipunan.

Isang counterpart bill naman ang inihain sa Senado ni Akbayan Sen. Risa Hontiveros.

Nangyari ang paghahain kasabay ng nagpapatuloy na imbestigasyon ng House Quad Committee sa umano’y pagkakasangkot ni Duterte sa extra judicial killings (EJKs), kasunod ng pag-amin ng dating pangulo sa Senado tungkol sa Davao Death Squad at ang kanyang utos sa pulisya na i-provoke ang mga suspek sa droga para manlaban.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *