Pinasalamatan ni House Speaker Martin Romualdez si Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. sa pangako nitong pangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipino sa Middle East na naaapektuhan ng lumalalang opensiba ng Israel laban sa targets sa Lebanon.
“There was growing tension in the Middle East and we have to secure our Filipinos there. We wanted to make the security arrangements and assure them that amidst the growing tensions, we secure our Filipinos in the region,” sabi ni Romualdez.
“The President’s decision to prioritize the safety of our countrymen, even while attending the 44th and 45th ASEAN Summit in Laos, reflects his deep concern and dedication to every Filipino,” pahayag ni Speaker Romualdez sa isang video conference meeting.
Katuwang ng House leader sa isinagawang video conference si Marcos at mga miyembro ng Gabinete para sa update sa mga hakbangin ng pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino sa Middle East.
Sa kaniyang talumpati bago bumiyahe sa Laos, nangako si Marcos na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang masiguro ang kaligtasan ng mahigit 40,000 Pilipino sa Lebanon at Israel.
Ulat ni Julian Katrina Bartolome