Sa unang pagkakataon, hindi itinalaga ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. si Vice President Sara Duterte bilang ‘caretaker’ ng Pilipinas habang siya ay bumiyahe papuntang Laos para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.
Madalas na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. si Vice President Sara Duterte bilang tagapangalaga sa kanyang mga nakaraang official trips sa ibang bansa.
Sa isang mensahe sa mga mamamahayag, sinabi ni Presidential Communications Office Secretary Cesar Chavez na sa pagkakataong ito ay bumuo ng Executive Committee si Marcos.
“It is an Executive Committee chaired by ES (Executive Secretary), with Secretaries of Justice and Agrarian Reform as members,” ayon kay Chavez.
Nasa Laos si Marcos mula Oktubre 8 hanggang 11 para dumalo sa ASEAN conference. Ang tema ngayong taon ay “ASEAN: Enhancing Connectivity and Resilience.”