Sa ika-15 pagdinig ng joint committees ng Senado nitong Martes, Oktubre 8, sinabi ni Bureau of Immigration (BI) officer in charge Atty. Joel Viado na base sa imbestigasyon ng kanilang ahensiya, sumakay ng eroplano ang sinibak na alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo, na kilala sa Chinese name “Guo Hua Ping,” sa kanyang pagtakas patungo sa Malaysia at hindi sa barko tulad ng na kanyang sinabi sa mga nakaraang hearing.
“If she went to Malaysia via sea it might have been through Sabah, but there was no record of entry of Alice Guo into Sabah on July 19, 2024,” pahayag ni Viado.
“She entered Malaysia by air on July 18,” saad ni Viado.
Bagamat mayroong Sabah stamp ang pasaporte ni Guo at kanyang mga kasamahan na tumakas sa Pilipinas, sinabi ni Viado na peke ang selyo dahil walang record ang Malaysian immigration authorities na pumasok sila sa Sabah noong Hulyo 19.
Una nang giniit ni Alice Guo at kanyang kapatid na si Shiela na nakarating sila sa Malaysia sa pamamagitan ng pagsakay sa isang maliit na sasakyang pandagat mula sa Pilipinas.