Isinusulong ni Makati Mayor Abby Binay ang mga posibleng opsyon sa pagpopondo, kabilang ang paglalaan ng budget mula sa Kongreso o public-private partnership upang matiyak ang mas mahusay na access sa dekalidad na programang pangkalusugan para sa mahihirap.
“Yung mga walang kakayanan na bumili ng maintenance medicine, yung tinatawag na poorest of the poor, dapat mabigyan ng libreng gamot. Dyan tayo magsimula. Isa yan sa mga priorities ko,” pahayag ng alkalde.
Bilang isa sa mga kanyang programa, nais ni Mayor Abby ihanay din ang mga ito sa kanyang priority bills na nakatuon sa pagpapalakas ng mga programang pangkalusugan at edukasyon.
“Sa akin importante po yan hindi lang para sa kapakanan ng ating mga kababayan, kundi maging sa pag-unlad ng ating ekonomiya,” sinabi ni Mayor Abby.
Binigyang-diin din ng alkalde na nararapat ibigay nang libre ang mga maintenance medicines para sa mga hindi kayang bumili, at inanunsyong “That will be one of my priorities.”
Ipinahayag ni Abby na dapat ibigay nang libre ang maintenance medicine sa mga hindi kayang bilhin. “Iyon ang magiging isa sa aking mga priyoridad,” sabi niya.
Si Mayor Abby ay tatakbo sa pagkasenador sa ilalim ng Bagong Pilipinas coalition na suportado ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. sa May 2025 midterm elections.
Ulat ni Julian Katrina Bartolome