Binawi ni Supt. Gerardo Padilla, dating warden ng Davao Prison and Penal Farm, ang nauna niyang pahayag na itinatangging may kinalaman siya sa pagpatay sa tatlong Chinese drug lords, idiniin sa kanyang latest affidavit na si former Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma ang sangkot sa pamamaslang na una nang iniugnay kay dating pangulong Rodrigo Duterte.
“During the Public Hearing of the House Quadcom held on Aug. 28, 2024, when asked if I had the conversation with then CIDG Garma, I denied it because I was under threat and I am concerned with my safety and that of my family who lives in Davao City,” paglilin Padilla sa kanyang two-page affidavit na isinumite niya sa Quad Comm ng Kamara ngayong Miyerkules, Setyembre 4.
Matatandaang na-contempt ng komite si Padilla at ipinag-utos na madetine ng 30 araw matapos na hindi magtugma ang kanyang mga sagot kaugnay ng pamamaslang noong 2016 kina Chu Kin Tung, alyas Tony Lim; Li Lan Yan, alyas Jackson Li; at Wong Meng Pin, alyas Wang Ming Ping.
“In fact and in truth, I had a conversation of CIDG Chief Garma as mentioned above but I did not divulge at the time for security reasons,” ani Padilla, tinukoy si Royina Garma, dating general manager ng PCSO at dati ring opisyal ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).
Una nang sinabi sa Quad Comm ng dalawang persons deprived of liberty (PDLs), sina Leopoldo Tan Jr. at Fernando “Andy” Magdadaro, na pinatay nila sa saksak ang tatlong dayuhan sa utos ni dating pangulong Duterte.
@Floridel Plano