Binigyang-diin ni Senate Majority Leader Francis Tolentino, sa budget briefing ng Department of Interior and Local Government (DILG) nitong Agosto 28, ang kahalagahan ng koordinasyon ng iba’t ibang ahensya sa loob ng kagawaran, gayundin sa pakikipag-ugnayan ng mga ito sa iba pang government agencies.
“If one agency performs well financially and looks good in the books and one, no offense to anyone… one agency is underperforming, damay na lahat ‘yan,” pahayag ni Tolentino.
“Ang programa ng gobyerno ay parang paghahanda ng pananghalian. Dapat nasa oras at kumpletos rekados! Kung mayroon mang ulam, pero hilaw naman ang kanin, ay ‘di rin makikinabang ang taumbayan,” mensahe naman ni Tolentino sa kaniyang social media post nitong Agosto 29.
Nanindigan si Tolentino na dapat paigtingin ang pagtukoy sa partikular na tungkulin at ambag ng bawat ahensiya ng gobyerno upang matiyak na epektibong naipatutupad ang mga programa at polisiya para sa pakinabang ng mga Pilipino.