Pinabulaanan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman ang mga naging pahayag ni Vice President Sara Duterte tungkol sa maling paggamit umano ng ahensya sa 2024 General Appropriations Act (GAA).
Sa isang pahayag ni Duterte, sinabi nito na isa sa mga dahilan ng kaniyang pagbibitiw bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) ay ang ‘mishandling’ umano ng 2024 budget. Aniya, nagkaroon siya ng problema sa kung papaano inilalaan ng Kongreso ang budget para sa taon.
Sagot naman ni Pangandaman, nakatanggap pa nga aniya ng ‘huge increase’ ang DepEd para sa taon, nang maglaan ng higit P715 bilyon na budget ang ahensya para sa pagpapatupad ng Matatag K-10 curriculum na proyekto ng DepEd sa ilalim ni Duterte.
Dagdag pa ni Pangandaman, tumaas ang budget ng DepEd sa kasalukuyang taon, mula sa natanggap nitong P633.3 bilyon noong 2022 na naging P676.1 bilyon naman noong 2023.
Ulat ni John Carlo Caoile