Ayon kay Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero, pinag-aaralan ng Senado ang isang panukala na nagbabawas sa bilang ng mga holiday na sa kabuuan ay higit na sa isang buwan at nakaaapekto sa pagiging competitive ng mga manggagawa at negosyong Pilipino.
“Yung holiday, nagkasundo ang senado na limitahin and holiday. Mahigit isang buwan na ang holiday sa buong bansa, which makes Philippine companies and workers less competitive,” ayon kay Escudero.
Ipinunto ni Escudero na may holidays sa city, municipal, provincial, at national levels, bukod sa religious holidays.
“Isa yan sa pinagpapa-aaralan [ko] sa kanila ngayon sa komite. Ang problema lang, away ‘yan eh pero ‘di naman kailangan gawin ngayon, simulan lang natin ‘yung proseso hayaan mong mag percolate siya, mapagpasyahan,” saad ng Senate President.
“‘Cause I tell you, it’s making [the] Filipino workers less competitive because our competitors from other countries aren’t requiring these companies to pay double dahil nagkataon lamang na holiday at wala namang kinalaman sa bansang pinagtatrabahuan nila lalo na sa call center,” sabi ni Escudero.