Hiniling ni Sen. Joel Villanueva nitong Linggo, Agosto 18, na huwag payagan ng gobyerno ang pagbabalik ng online cockfighting o “e-sabong” upang makabawi lamang sa mwaawalang kita sa pagsasara ng mga Philippine offshore gaming operator (POGO).
“We have just defeated an enemy with the Pogo ban, and now some are considering resurrecting e-sabong, which is far worse because it directly targets our kababayans from all walks of life,” ayon kay Villanueva.
“While we badly need revenues, the choice should not be between the devil and the deep blue sea. We want our revenues coming from legitimate, legal and sustainable sources,” sabi pa ni Villanueva.
Tinanong ni OFW party-list Rep. Marissa Magsino sa pagdinig ng House committee on appropriations tungkol sa panukalang budget ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) para sa 2025 ang chairman nitong si Alejandro Tengco kung posible bang gawing legal ang e-sabong upang matulungan ang ahensya na magpatuloy sa paglikha ng kita sa gitna ng pagbabawal sa mga POGO.
Iniutos ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. ang pagbabawal sa lahat ng POGO noong kanyang State of the Nation Address noong Hulyo 22, at inatasan ang Pagcor na tapusin ang kanilang operasyon bago matapos ang taon.