Hinihimok ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang Senado nitong Lunes, Agosto 5, na aksiyunan ang panukalang Dissolution of Marriage Act at Sexual Orientation, Gender Identity, Expression at Sexual Characteristics (SOGIESC) bill.
“Just a brief manifestation to make of record na in fact pina-follow up ko po sa good majority leader kung kailan po maitatakda yung hearing ng Committee on Rules para talakayin yung disposition ng ating chamber sa dalawang committee reports yung isa po tungkol sa SOGIESC equality bill at yung isa naman po sa dissolution of marriage,” sabi ni Hontiveros.
“The overall effect on our society seeks to strengthen the institution of marriage dahil gusto ang lahat ng mga kasal natin sa ating lipunan ay actually in the image and likeness of what they were intended to be. At ‘di katulad ng ibang mga kasal na are abusive, violent or neglectful and absent ‘yung pag ibig at pagkalinga na itinuturo ng lahat ng relihiyon at faith communities at pati iba’t ibang klaseng humanism na meron tayo sa ating lipunan,” dagdag pa ni Hontiveros.
Ang Senate Bill 2443 o ang proposed Dissolution of Marriage Act ay nakabinbin sa plenaryo ng Senado simula noong Setyembre 18, 2023. Samantalang ang mga panukalang batas sa SOGIESC ay naghihintay ng consolidation.
Inaprubahan na ng House of Representatives ang divorce bill sa ikatlo at huling pagbasa noong Mayo habang nakabinbin pa ang kanilang SOGIESC bill.