Iginiit ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ang pag-‘demonize’ kay Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy, na wanted sa patung-patong na kasong kriminal, ay pang-distract lang umano mula sa ‘corruption, incompetence, and abuse of authority’ ng kasalukuyang administrasyon.
“It is unfortunate that the obssession of this administration to demonize Pastor Quiboloy even before he could be convicted by a court of law is a clear maneuver to divert attention from the deepening crises Spawned by corruption, incompetence and abuse of authority,” pahayag ni Rodrigo Duterte.
Sa pahayag na binasa sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, tinawag ni Duterte na “obsessed” ang administrasyon sa pagdidiin nito kay Quiboloy, bagamat hindi pa aniya ito napapatunayang ‘guilty’ sa anumang kaso.
Balak din umanong magsampa ng kaso sa korte ni Duterte tungkol sa naganap na raid ng mga pulis sa compound ng Kingdom of Jesus Christ, kung saan tumatayo bilang administrator ng mga ari-arian ang dating Pangulo.
Nagsilbi si Quiboloy bilang ‘spiritual adviser’ ni dating Pangulong Duterte at naging isa sa mga pinakamalaking endorser ng Marcos-Duterte tandem sa Mindanao noong 2022 elections.
Ulat ni John Carlo Caoile