Naghain ng panibagong plunder case si dating senador Antonio Trillanes IV laban kina dating pangulong Rodrigo Duterte at Senator Christopher ‘Bong’ Go sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) ngayong Miyerkules, Agosto 7.

Kaugnay ito ng P16 bilyon na Philippine Navy Frigate Acquisition Project kung saan nag-intervene umano ang dalawa.

Una nang nag-file ng kaparehong kaso si Trillanes noong Hulyo 5, kung saan iginiit niyang ginamit nina Duterte at Go ang kanilang posisyon, awtoridad, at impluwensiya para makopo ang bilyon pisong halaga ng government projects na papabor at magpapayaman umano sa kanilang mga kamag-anak.

Kabilang din sa mga akusado sina former Defense USec Raymundo Elefante, former Budget USec. Lloyd Christopher Lao, at former Philippine Navy (PN) chief Admiral Robert Empedrad.

Ulat ni John Carlo Caoile