Naniniwala si dating presidential spokesman Atty. Harry Roque na may grupong nais na sirain ang kanyang pagkakatao sa isyu ng sinalakay na bahay sa Tuba, Benguet sinasabing illegal Philippine offshore gaming operators (POGO) hub.
“Kaya nga nang sabihin nila na sinalakay ang bahay ko, may mga wanted na POGO bosses dun, ako po ay nag-conclude na may pilit na naninira sa akin,” pahayag ni Roque.
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality at Committee on Public Order ngayong Lunes, Hulyo 29, iginiit ni Roque ang ownership ng bahay na sinalakay sa Tuba, Benguet.
“Pero ang ine-emphasize ko po, regardless of the ownership, there is a contract which is duly notarized,” paliwanag ni Roque tungkol sa pag-aari ng bahay ng isang “Huang Yun,” na kanyang pinangalanan.
“Mayroon po akong interes sa kumpanyang may-ari ng bahay na ‘yan. In fact, in the future, I am concluding a transaction na kukunin ko ang buong korporasyon na may-ari ng bahay na ‘yan,” pahayag ni Roque.