Binalaan ni Sen. Grace Poe ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metro Manila Development Authority (MMDA) na bubusisiin nito ang pondo na ilalaan sa dalawang ahensiya bunsod ng nangyaring malawakang pagbaha sa Metro Manila at mga karating lalawigan dahil sa habagat at bagyong ‘Carina.’
“With every downpour, our taxpayers are left shortchanged and wading through damaging and disease-carrying floods,” ayon sa statement ni Poe nitong Biyernes, Hulyo 26.
“Sa darating na budget deliberation, dadaan sa butas ng karayom ang flood control budget ng DPWH, MMDA at iba pang ahensya,” babala ng Senador.
Si Poe ay kasalukuyang chairman ng Senate Committee on Public Services habang si Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ang namumuno sa Committee on Public Works.
“Inanod na rin ba ng baha ang bilyon-bilyong pondo para sa flood mitigation?” tanong ni Poe.