Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagiging host ng Pilipinas sa Lost and Damage Fund (LDF) Board na, aniya, ay magpapalakas ng dedikasyon at liderato ng gobyerno upang masigurado na mayroong boses ang maliliit na bansa sa usapin ng pagbabago ng klima.
Ang pondo na tinatawag na Loss and Damage Fund (LDF) ay base sa pag-uusap sa United Nations at ibinibigay sa mga bansa upang maka-ahon ang mga ito sa masamang epekto ng global warming.
“I am proud to announce that the Philippines has been elected to host the Loss and Damage Fund Board, out of seven other contenders. We are also honored to have a seat on the Board itself, ensuring that the Philippines will be a formidable voice in promoting and advancing global climate action – an issue of critical interest to the country”, pahayag ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ipinagmalaki ni PBBM na ang pagiging host ng LDF Board ay magpapalakas ng dedikasyon at liderato ng gobyernong Marcos na masigurado na mayroong boses ang maliliit na bansa sa usapin ng pagbabago ng klima.
“Hosting the LDF Board reinforces our dedication to inclusivity and our leadership role in ensuring that the voices of those most affected by climate change shape the future of international climate policies,” dagdag ni Marcos.
Samantala, lubos naman na ikinatuwa ni Senator Loren Legarda ang pagkakapili sa Pilipinas upang mag-host ng Loss and Damage Fund (LDF) Board na base sa pag-uusap sa United Nations upang matulungan ang mga bansa na makaahon sa masamang epekto ng global warming.
“I am elated to receive the news that the Philippines has been unanimously selected to host the Loss and Damage Fund Board in a landmark decision made today in Songdo, Republic of Korea,” saad pa ni Legarda.
“By its selection of the Philippines out of eight countries that made an official bid to host its meetings and official undertakings, the Board of the fund has allowed our country a great honor to support this important body of work which had taken several decades to build,” ani ni Legarda.