Sa kanyang talumpati sa National Schools Press Conference (NSPC) nitong Lunes, Hulyo 8, binigyang-diin ni Vice President Sara Duterte na mahalaga para sa journalism students na malaman ang pagkakaiba ng opinion sa assumption, upang matiyak na ang kanilang trabaho ay batay lamang sa katotohanan.
“Unang-una, kapag opinyon ninyo ang sinusulat ninyo, never assume anything. ‘Wag ninyong ipaghalo ang assumption at opinyon; magkaibang bagay ‘yon. Pangalawa, never print, post, or circulate something that you know is not the truth,” sinabi ni Duterte.
Nagbabala rin si Duterte laban sa pagpapakalat ng maling impormasyon na maaaring makapinsala sa reputasyon ng mga indibidwal o organisasyon, at hinimok ang journalism students na panatilihin ang integridad at katapatan sa kanilang trabaho.
“’Wag ninyong gawing sirain ang buhay ng ibang tao o sirain ang imahe ng iba’t ibang organisasyon o ng mga tao sa alam ninyong hindi totoo. Never assume and don’t lie sa inyong trabaho,” saad pa ni Duterte.
Kinonsidera naman ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro, ngayong Martes, Hulyo 9, na “ironic” ang lecture ni Duterte sa mga estudyante tungkol sa pag-iingat laban sa disinformation campaign dahil siya raw mismo ay sangkot umano sa ‘red-tagging’ at pagpapakalat ng pekeng balita.
“It’s ironic that VP Sara Duterte is now lecturing students about not printing or circulating false information when she herself has been engaged in red-tagging and spreading fake news,” pahayag ni Castro.
“How can VP Duterte tell students to ‘never print, post or circulate something that you know is not the truth’ when she has been at the forefront of spreading disinformation through red-tagging? This double standard is alarming and sets a dangerous precedent for our youth,” saad pa ni Castro.
“[The] words ring hollow coming from someone who has actively participated in damaging the reputation of progressive organizations and individuals through baseless accusations and red-tagging,” dagdag pa ni Castro.