Nagpasalamat sina Irish Ambassador William John Carlos at Finnish Ambassador Juha Markus Pyykkö kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanilang farewell call sa Malacañang Palace noong Lunes, Hulyo 8, sa pagtatapos ng termino ng dalawang envoy sa Pilipinas.
“[What] I like about here as well is the accessibility of the people. And the humor, it’s something that we connect with,” sinabi ni Carlos kay PBBM.
Sinabi ni Ambassador Carlos na mahirapan siyang umalis sa Pilipinas dahil sa napamahal na ang Pilipinas sa kanya, ganun din ang kultura nito.
“There’s a lot of connection between my country and your country. There’s a growing relationship between Ireland and the Philippines,” dagdag pa niya.
Ikinatuwa ni Marcos na maganda ang naging karanasan ni Carlos dito. Nagsimula ang diplomatic relations ng Pilipinas at Ireland noong July 1984. Ang dalawang bansa ay napanatili ang magandang samahan at interaksyon lalo na sa pamamagitan ng mga pagpupulong ng Association of Southeast Asian Nations-European Union (ASEAN-EU) fora at multilateral organizations.
Noong nakaraang taon, ang Ireland ay ika- 27 trading partner at 31st export market, at 28th import source. Ang kabuuang kalakalan sa loob ng sampung taon ay naging positibo at nagkaroon ng pagtaas na umabot sa $650 million noong 2018.
Umabot na sa 22,000 Filipinos na nasa IT, healthcare at nursing sectors na nagtratrabaho sa Ireland.
Samantala si Ambassador Pyykkö ay nagpahayag din ng kanyang pasasalamat at pagkatuwa sa relasyon ng Pilipinas at Finland, na nagsimula noong July 14, 1955.
Ikinagalak din ng ambassador ang pagbubukas muli ng Philippine Embassy sa Helsinki ngayong taon.
Ulat ni T. Gecolea