Taus pusong pagbati ang ipinaabot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay UK Punong Ministro Keir Starmer at sa buong Labour Party sa kanilang pagkapanalo sa isang landslide victory sa katatapos na 2024 parliamentary elections.
“On behalf of the Philippines, I extend my warmest congratulations to the Labour Party and Kier Starmer. We wish the new government success and look forward to further strengthening our deep and longstanding ties,” sabi ni Marcos.
Napalitan ng Labour Party ang Conservative Party na siyang namuno sa UK government ng halos 14 na taon.
Ayon kay Marcos, umaasa siya na mas mapapaigting pa ang relasyon ng Pilipinas at United Kingdom dahil sa bagong pamunuan nito.
Noong 2021, nagpakasunduan ng dalawang bansa na mas palakasin ang kalakalan at investment, teknolohiya, seguridad at defense alingsunod sa UK-Philippines Enhanced Partnership. Sinimulan ng Pilipinas at UK ang kanilang diplomatic ties noong Hulyo 4, 1946.