Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong Biyernes, Hulyo 5, si incoming Education Secretary Sonny Angara na tutukan ang pagpapabuti ng “employability” ng mga nagtapos ng K-12 program.
“Ginawa natin ‘yung K-12 dahil hinahanap ang years of training sa ating mga nag-apply at sinasabi dito sa Pilipinas kulang dahil 10 years … That was the reason we did it para employable ‘yung mga graduate natin. Pero kung titignan natin ang naging resulta, hindi tumaas, hindi gumanda ang employability nila. So, we have to do something else,” sabi ni Marcos.
Binanggit ni Marcos na napansin niya ang K-12 program ay hindi nakapagbigay ng sapat na kasanayan sa mga estudyante para sa makakuha ng trabaho.
“We were examining things like mini-courses, 3-6 buwan, 1-year short courses para sa mga specialty. But we have to coordinate with the private sector, so the private sector will be able to have a guaranteed supply of skilled workers that will be coming into their own industries, saad ni Marcos.
“So tinitiyak namin na paglabas na may magandang pag-asa, magandang magkatrabaho if not directly already to an industry employer,” dagdag pa ni Marcos.