Ilulunsad ngayong Biyernes, Hunyo 5 ng Department of Agriculture ang “Program 29”, na naglalayon na mabigyan ang 6.9 milyong pamilya ng magandang uri ng bigas sa halagang ₱29 kada kilo.
“We appeal to beneficiaries not to take advantage of this program by reselling the ₱29 rice from KADIWA centers. We want to ensure that the largest number of those in the vulnerable sectors will benefit from this program of President Bongbong Marcos,” sinabi ni Agriculture Francisco Tiu Laurel Jr.
Sinabi ni Laurel na may 10 Kadiwa centers sa Metro Manila at Bulacan ang alalahok sa trial program kung saan ang bigas ay mabibili sa halagang ₱29 per kilo tuwing Biyernes, Sabado at Linggo.
Kakailanganin ng 69, 000 metric tons ng bigas para matugunan ang 6.9 milyong pamilya.
Ang large-scale trial ay naglalahon na makalikom ng supply, demand, at logistics data na kinakailangan para sa roll out ng proyekto.
Ang Kadiwa ay gagamit din ng booklets para i-monitor ang pagbebenta ng bigas sa mga benepisyaryo, tulad ng senior citizens, single parents, persons with disabilities at miyembro ng 4Ps program.
Ang nasabing Kadiwa sites ay matatagpuan sa Bureau of Animal Industry at National Irrigation Administration sa Quezon City; Bureau of Plant Industry sa Maynila; Food Terminal Inc. sa Taguig City; PhilFIDA sa Las Pinas; Caloocan City; Valenzuela City; Brgy. Fortune at BF City (BFCT) sa Marikina City; at San Jose del Monte City sa Bulacan.
Ulat ni T. Gecolea