Sa panayam ng TV5 News nitong Miyerkules, Hulyo 3, sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian na posible pa ring maging state witness ang suspendidong alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo kung makikipagtulungan ito sa gobyerno upang matukoy ang mga katiwalian at iba pang krimen na may kinalaman sa illegal Philippine offshore gaming operators (POGO).
“If there is information that will help in the investigation of those related to POGO hubs,” sabi ni Sen. Gatchalian.
At kung sakaling kunin si Guo bilang testigo ng pamahalaan, iginiit din ng senador na maaari itong bigyan ng proteksiyon ng gobyerno sa ilalim ng Republic Act 6981 o Witness Protection, Security and Benefit Act.
“In the POGO hub in Bamban, it appears that all the papers, electricity and water applications are in her name, so we can see that she is directly related to the POGO hubs that were built in Bamban,” sabi ni Gatchalian.
Sinabi rin ng senador na may posibilidad na tukoy ni Guo ang mga personalidad, kabilang ang ilang mga nakapuwesto sa gobyerno, na nagbibigay proteksiyon sa illegal POGO activities.