Ipinagutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kaukulang ahensiya na pag-aralan kung paano mapapabilis ang pagbibigay ng e-visa sa mga Indian nationals.
Ang mas mabilis na e-visa processing para sa mga Indian nationals ay makakatulong sa turismo ng bansa, ito ang pahayag ni Marcos sa pagpupulong ng Private Sector Advisory Council (PSAC) Tourism Sector Group sa Malacañang nitong Miyerkules, Hulyo 3.
“We don’t have any such issues [with India]. So, I’m sure we can use their system,” sinabi ni Presidente Marcos. Sa kasalukuyang e-Visa system.
Sa kasalukuyang set-up, ang mga Indian nationals ay kinakailangan pang personal na magtungo sa Philippine Embassy sa New Delhi, ayon kay Lucio Tan, president at CEO ng LT Group.
Sinabi niya na tumatagal ng halos isang buwan bago maibigay ang visa sa mga aplikante.
“In view of that, we recommend engaging in third party service provider that will establish, run and maintain the e-Visa system under the guidance of the relevant government agencies,” sinabi ni Tan kay PBBM.
Ang e-visa system para sa Indian nationals ay nasa beta testing na, at sinusubukan para sa walk-in clients ng Philippine Embassy sa New Delhi.
Sinabi ng PSAC Tourism Sector Group na kailangang baguhin ang e-Visa system para sa mga Indian nationals dahil tumutulong sila sa turismo ng bansa.
Sila ay kabilang sa mga “repeat visitors” na kalimitang nananatili sa bansa sa loob ng 8 gabi at gumagastos ng $100 kada araw kada tao, pahayag ng grupo.
Ulat ni T. Gecolea