Inaprubahan na ng gobyerno ng Timor Leste ang extradition request ng gobyernong Marcos para maibalik ang pinatalsik na kongresistang si Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr. para harapin ang patung-patong na kaso ng pagpatay na inihain laban sa kanya sa Pilipinas.

“The Department of Justice confirms the grant f the extradition request by the Philippine govrernment. The information was relayed to us by the Attorney-General of Timor Leste,” ayon sa statement ng DOJ.

Si Teves ay kasalukuyang naka-house arrest sa Timor Leste.

“We look forward to the arrival of Mr. Teves so that he may finally face the charges against him in our local courts,” ayon sa statement ng Department of Justice (DOJ) noong Huwebes, Hunyo 27. Subalit walang nabanggit ang DOJ na petsa ng pagdating ni Teves sa Pilipinas.

Samantala, ikinatuwa ni Pamplona, Negros Oriental Mayor Janice Degamo, maybahay ng pinaslang na gobernador na si Roel Degamo, ang pagpapabalik kay Teves sa bansa.

“My fight for justice has been a truly harrowing experience, with constant threats on my life by members of the Teves Terrorist Group, horrific online attacks from TTG trolls and continual sleepless nights grieving the memory of Roel,” ipinost ni Mayor Degamo sa Facebook.

“But it was the memory of Roel and his undying love for his fellow NegOrenses that keeps pushing me to fight. I will not be silent as the men who murdered my husband continue to terrorize our province,” dagdag niya.