Kasabay ng bigtime fuel price hike, tumaas din ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ng P4.55 kada kilo ngayong Martes, Agosto 1, 2023.
Sa isang advisory, sinabi ng Petron Corp. na magtataas ito ng presyo sa produktong LPG nito ng P4.55 kada kilo. Dahil dito, papalo na sa P50.05 ang presyo sa kada 11-kilogram na tangke ng cooking gas.
Tumaas din ang presyo ng AutoLPG ng P2.54 kada litro.
“These reflect the international contract price of LPG for the month of August,” ayon sa Petron.
Tumaas din ng P4.55 kada kilo ang Solane-branded LPG.
Noong nakaraang buwan, tinapyasan ng mga lokal na kumpanya ng langis ang presyo ng cooking gas ng 40 centavos kada kilo, o may katumbas na P4.40 sa kada 11-kg na LPG tank.