Binigyang-diin ni Sen. Loren Legarda ang kahalagahan ng sektor ng agrikultura at pangingisda sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng kanyang mga kapwa Antiqueño sa ginanap na pamamahagi ng tulong kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Huwebes, Hunyo 27, sa Antique.

“Maliban sa tulong pinansyal, patuloy po nating sinisiguro na may sapat na pondo upang mapagkalooban sila ng mga kagamitan at makinarya na malaki ang maitutulong sa kanilang produksyon,” pahayag ni Legarda noong Huwebes, Hunyo 27.

Nangako rin si Legarda na isusulong nito ang mga programa ng pamahalaan na magpapaangat ng buhay ng mga magsasaka at mangingisda sa na itinuturing niya bilang mga “haligi” ng ekonomya ng bansa.

​“Bilang isa sa mga kinatawan sa Senado ng mga probinsya sa Panay Island, prayoridad natin ang pagtulong sa ating mga magsasaka at mangingisda,” aniya.

Ulat ni Benedict Avenido