Nagpahayag ng pagkabahala ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP), itinuturing na pinakamalaking labor organization sa bansa, sa estado ng edukasyon sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa.
“Basically, it’s about the budget. They are not putting enough,” pahayag ni Employers Confederation of the Philippines (ECOP) President Sergio Ortiz-Luis Jr.
“It’s an issue. That’s why we are putting out platforms in education,” sabi ni Ortiz-Luis Jr. sa panayam ng media sa ginanap na 45th National Conference of Employers nitong Martes, Hunyo 25.
Sinabi niya na limitado ang maitutulong ng ECOP upang maiangat ang lumalalang kalidad ng edukasyon sa bansa tulad ng job matching at training na kasalukuyan nilang isinusulong.
Ang pahayag ni Ortiz-Luis ay bilang reaksiyon sa resulta ng pag-aaral ng 2022 Programme for International Student Assessment (PISA) kung saan halos kulelat ang Pilipinas sa 61 bansa sa mga subject ng science, mathematics at reading.