Naglabas na ng subpoena ang Senado laban sa suspendidong alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo at iba pang kasamahan nito dahil sa ilang ulit na hindi pagdalo sa pagdinig ng Mataas na Kapulungan sa mga akusasyong may kinalaman sa ilegal na operasyon ng POGO hub sa kanilang lugar.

Nag-isyu na ang Senate Committee on Women, Children, Family Affairs and Gender Equality ngayong Miyerkules, Hunyo 26 ng subpoena laban kay Guo at ilang kasamahan nito dahil sa hindi pagsipot sa isinasagawang pagdinig tungkol sa umano’y kanilang kaugnayan sa illegal POGO hub.

Ito ay sa kabila ng patuloy na pagtanggi n Guo na humarap sa pagdinig sa Senado at dinahilan nito siya ay dumaranas ng mental at physical stress mula sa mga pambabatikos na kanyang inaabot mula sa iba’t ibang sektor ng Lipunan.

Kasama sa mga inisyuhan ng subpoena ay si Nancy Gramo, na diumano’y kinatawan ng Zun Yuan, na isa ring POGO hub.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *