Pinuri ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pagtupad sa kanyang pangako sa itatayong Manila Cancer Center (MCC) na inisyatibo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. Ang halaga ng itatayong MCC ay aabutin ng P6 bilyon.

“We assure you Speaker, that this edifice will be maintained and sustained by our city government. Pero mas maganda po sana, kung hindi man kalabisan, maglalambing na rin kami na sana ay itodo nyo na, kumpletohin nyo na po sana pati mga equipment at logistical requirement nitong ating Cancer Center,” sabi ni Lacuna.

Pinangalanan ang gusali na “Governor Benjamin Romualdez Cancer Center” bilang pagkilala sa ama ni House Speaker Romualdez.

“A true gentleman, having a heart for the poor and a man of his word,” paglalarawan ni Lacuna kay Romualdez.

Partikular na hinangaan ni Mayor Honey si Romualdez sa mabilis nitong aksiyon para maisakatuparan ang pangakong agad na aayusin at pagagandahin ang Ospital ng Maynila compound, kung saan itatayo ang MCC, bilang flagship project ng gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *