Naghain ang liderato ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) nitong Biyernes, Hunyo 21, ng criminal complaint sa Department of Justice (DOJ) laban kay Alice Guo, ang suspendidong alkalde ng Bamban, Tarlac.

Pinangunahan ni PAOCC chief Undersecretary Gilbert Cruz ang paghahain sa DOJ ng reklamong paglabag sa Republic Act 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 laban kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na inuugnay sa ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub sa Bamban at iba pang lugar sa Pilipnas

Kasama sa charge sheet na isinumite sa DOJ ay si dating Technology and Livelihood Resource Center (TLRC) head Dennis Cunanan at iba pang kakutsaba ng mga ito na inakusahang nasa likod ng ilegal na operasyon Lucky South 99.

Ayon sa ulat ng PAOCC, si Cunanan ay tumulong sa pagtatatag ng Lucky South 99 kung saan nabuking ang diumano’y torture at scamming operations ng mga tauhan ni Guo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *