Nakipagpulong kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga opisyal ng Private Sector Advisory Council-Health Sector Group (PSAC-HSG) sa Malacanang upang isulong ang programa na makatutulong sa libu-libong underboard nurses na makapagtrabaho.
“The CCA program as you might recall is our attempt to help the thousands of underboard nurses, people who have graduated from nursing degree, but for one reason or another, they did not pass the test during their time,” sinabi ni PSAC Healthcare Sector Lead Paolo Borromeo.
“We developed the program to encourage both public sector and the private sector to look for the nursing underboards in their respective institutions and to try to enroll them in a review program so that they can take the test, which the next one I believe is in November,” dagdag ni ni PSAC-HSG head Paolo Borromeo.
Ayon kay Borromeo, ang unang batch ng 457 Clinical Care Associates (CCAs) ay pinalakas sa lebel ng pitong higher educational institutions (HEIs) para tulungan ang mga underboard nurses sa board reviews.
“To date, we have 457 CCAs out of 1,000 that we have budget for. So, we continue to look for more CCAs around the country. It’s a work in progress, I think 457 additional nurses, assuming all of them passed will be a big addition to our list of nurses,” dagdag ni Borromeo na siya ring Presidente at CEO ng Ayala Healthcare Holdings Inc.
Ayon sa mga ulat, nagkaroon ng pagtaas sa mga nursing board passers noong 2022 pataas kung ikukumpara sa pre-Covid record.
Magkakaroon din ng Enhanced Master’s Degree sa nursing program para sa pilot implementation nito sa 17 HEIs na magsisimula sa Agosto ngayong taon.
Ulat ni T. Gecolea