Nakapagtala ang mga 15-anyos na Pilipinong estudyante ng average na 14 points sa bagong creative thinking assessment ng 2022 cycle ng Programme for International Student Assessment (PISA), kung saan kabilang ang Pilipinas sa apat na pinakakulelat sa 64 na bansa.
Sa unang pagkakataon na sinuri ng PISA ang kakayahan ng mga estudyante sa paggamit ng imagination at creativity para makalikha ng mga ideya, napahilera ang Pilipinas sa apat na nangulelat, kasama ang Albania, Uzbekistan, at Morocco.
Ang mean score ng Pilipinas ay 14, malayo sa average na 33 na itinatakda ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD), base sa resulta ng creative thinking assessment ng PISA na isinapubliko nitong Martes, Hunyo 18.
Pasok sa top five ang Singapore (na ang mga estudyante ay may average score na 41), Korea (38), Canada (38), Australia (37), at New Zealand (36).
Isang araw makaraang isapubliko ang latest PISA results, kung saan nangulelat na naman ang mga Pilipino, nagbitiw sa kanyang puwesto bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) si Vice President Sara Duterte ngayong Miyerkules, Hunyo 19.