Inanunsiyo ng Presidential Communications Office (PCO) ngayong Miyerkules, Hunyo 19, na nag-resign na si Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng Department of Education (DepEd), at Vice Chairperson ng National Task Force To End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

“At 2:21 pm today, 19 June 2024, Vice President Sara Z. Duterte, went to Malacañang and tendered her resignation as Member of the Cabinet, Secretary of the Department of Education, and Vice Chairperson of the NTF-ELCAC, effective 19 July 2024,” ayon sa PCO.

Magiging epektibo ang kanyang pagbibitiw sa Hulyo 19, 2024.

“She declined to give a reason why. She will continue to serve as Vice President. We thank her for her service,” ayon sa PCO.

Naghayag ng taus pusong pasasalamat si Duterte sa mga opisyal at kawani ngDepEd, mga guro at estudyante na sumuporta sa kanyang programa sa mahigit dalawang taong panunungkulan niya sa DepEd.

“Hindi man ako kalihim ng edukasyon, mananatili akong isang ina na magmamatyag at titindig para sa kapakanan ng bawat guro at bawat mag-aaral sa Pilipinas para sa isang matatag na Pilipino,” sabi ni Duterte.

Sa kanyang talumpati matapos mag-resign bilang DepEd secretary, kinumpirma ni VP Sara ang kanyang pagbibitiw sa puwesto matapos isumite ang kanyang letter of resignation kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Miyerkules, Hunyo 19.

Sa kanyang talumpati na tumagal ng halos 18 minuto, ibinandera rin ni VP Sara ang kanyang mga achievements bilang secretary ng DepEd, lalo na ang “Matatag Curriculum” program.

“Mga kababayan, ang aking pagbibitiw ay hindi lulan ng kahinaan ngunit dala ng malasakit para sa ating mga kabataan at guro,” giit ni VP Sara.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *