Ipatatawag ni Sen. Risa Hontiveros sa susunod na pagdinig ang dating Technology and Livelihood Resource Center (TLRC) deputy director general na si Dennis Cunanan, na ang pangalan ay lumutang nang salakayin ng mga awtoridad ang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hubs sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga.

“We will invite Mr. Cunanan to the next hearing to clarify his involvement. When there is POGO, there is a connection to a scam. As I said, all POGOs are bad. There is no differentiation between bad POGO or good POGO,” sabi ni Hontiveros.

“It seems that POGOs are deliberately tapping former and present officials they can easily corrupt,” dagdag niya.

Matatandaan na nahatulan si dating TLRC deputy director general Dennis Cunanan ng korte ng 26 na taong pagkakakulong dahil sa pagkakasangkot sa multi-bilyong pisong anomalya sa paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF), na mas kilala bilang “pork barrel” fund.