Ito ay matapos muling magbanggaan ang supply ship ng Pilipinas at isang Chinese ship malapit sa Ayungin Shoal noong Linggo, Hunyo 17, na natuloy sa palitan ng akusasyon sa pagitang ng dalawang kung sino ang dapat sisihin sa insidente.

“China’s dangerous and reckless behavior in the West Philippine Sea shall be resisted by the AFP”, sinabi ni Defense Secretary Gilbert Teodoro sa isang statement.

Sinabi ng China Coast Guard (CCG) na “deliberately at dangerously” diumano ang ginawang pagmaniobra ship ng Pilipinas kaya napilitan umaksiyon ang kanilang ship crew.

Mariing pinabulaanan naman ito ni Teodoro at sinabing ang pahayag ng China ay “deceptive at misleading.”

“Their behavior contravenes their statements of good faith and decency,” dagdag ng kalihim.

“We will exert our utmost in order to fulfill our sworn mandate to protect our territorial integrity, sovereignty, and sovereign rights,” giit ni Teodoro

Ulat ni T. Gecolea